Quantcast
Channel: The Donnie Ray
Viewing all 25 articles
Browse latest View live

What is Happening to Me?

$
0
0

Hi theres!

dami? haha

Speaking of dami, dami ko ng utang na blogpost. Halos makalimutan ko ng may blog pala akez.

Hindi po ako makapagblog because of the gravity of the earth under the sun and over the sea. char!

Hindi po ako tinatamad. *defensive* wala lang talagang time sa ngayon. Busy sa ibang bagay. Wag po kayong magalala. babawi talaga ako. Bigyan nyo pa ako ng konting panahon. pleaseeee...

Sa kapiraso kong mga tagasubaybay dyan, babalik din ako sa pagiging "blogger" ko. at mas bongga ang pagbabalik ko! may ganun? mas lalo ko pa kayong pasisiyahin sa mga parating kong post. oha, opm yan. (oh promise me!)

Dami ko pa talagang dapat iblog. At iboblog ko pa rin sila kahit super duper later than the sunset na.

Sa ngayon hayaan nyo munang tapusin ko ang mga bagay na dapat kong tapusin at saka ako tatumbling pabalik with matching gangnam style dance craze. keri?

Sige, hanggang dito nalang muna sa ngayon. Take care and Good vibes sa lahat! ^_^

Love you all! xoxo


P.S.
baka naman pwede jumoin sa mga travel nyo, invite nyo naman ako. kaladkaren ako pramis!
or kung hindi naman bigyan nyo nalang ako ng idea kung saan ok magtravel para sa tamang foodtrip lang. dito lang sa luzon ha. yung mapupuntahan kahit bus lang.
please email or bbm me... ay, wala pala akong blackberry. ambisyosang palaka!
email nalang thedonnieray@gmail.com
alot of thanks. ^_^


btw, sa mga hindi pa nakakapanood ng episodes ng PHL360, watch na! now na! www.phl36o.com
kung makapromote naman ako parang kasali lang ako ^_^

The Banaue Rice Terraces

$
0
0

Ituloy na natin ang naging Ifugao Adventure ko. Mula sa pagbisita sa Batad, ikukwento ko naman ngayon kung ano ang nangyari sa Banaue trip ko.


Get in:
Ohayami bus located in Espana cor. Lacson beside UST
P450, 8-10 hours

Get around:
jeepneys and tricycles pero much better kung kukuha ng guide.


Dandy, my guide, advised me na magbreakfast muna bago ang activities sa Batad. dinala nya ako sa sikat na People's Lodge and Resto. at dito na rin ako magchecheck in.

Goodmorning Banaue!
yan ang view! ayaw mo pa? aarte pa?

naramdaman ko na rin to sa Sagada dahil sa lahat ng bintana ay makakakita ka ng magagandang tanawin.. pero mas doble ang naging saya ko dito dahil mismong rice terraces agad ang bubungad sayo.

yup, yan na mismo ang rice terraces. imagine, araw araw kang kakain ng nakaharap sa rice terraces. 
hindi ka kaya maumay sa kanin? hehe

alam mo yung feeling na iba sa pakiramdam na habang kumakain ka e ganyan kabongga yung tanawin mo. astig diba? at sa sobrang fresh ng hangin, mahihiya kang umutot. pramis!

isang patunay na nasa mataas na lugar ang People's Lodge kaya naman effortless para makita mo ang buong palayan at halos kabuuan ng lugar.

malaki na rin ang komunidad dito sa Banaue
pero hindi ko nabilang ^_^


after ng breakfast dumiretso na kami ni Dandy at iba pang tourists sa Batad.

at after ng Batad Adventure ay bumalik na rin kami sa Banaue... ng pagod na pagod!

nagpahinga, naligo't kumain at sinimulan na ang paglilibot sa Banawe.

The Banaue Rice Terraces
Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe


tinatawag rin nila itong Payo
ito ay minsan ng itinanghal bilang "Eighth Wonder of the World". at isa ring UNESCO World Heritage site.
alam naman siguro ng lahat yan, right?

bukod sa Banawe, mayroon pang 4 na Terraces na matatagpuan sa Ifugao. Ang Mayoyao, Hapao, Kiangan at Batad.
kaya kung magra-rice meal ka, mahihiya si Mang Inasal sa unli rice dito. hihi!

hanggang sa ngayon ay buhay na buhay pa rin ang Banaue Rice Terraces. pinagtataniman pa rin ng mga palay at mga gulay. nakakalungkot lang malaman mula sa mga Ifugao na nakausap ko na ang mga bagong henerasyon daw ng mga Ifugaos ngayon ay hindi na nahihilig sa pagtatanim.
so, sino na ang magtatanim kung ganon?

napakasarap sa pakiramdam na yung pinagaaralan ko lang nung elementary ako ay nakita na mismo ng mga mata ko. nakita ng mga mata ko kung gaano kaganda ang Pilipinas.. hindi lang sa libro kundi pati sa personal.

Rice God "Bulul" is everywhere

mula pagpasok ng pinto hanggang sa mga sulok ng lugar ay nandun si Bulul.

yep, meron silang live bands every night. sushal!

isa siguro sya sa mga sikat na magsasaka or whoever na naging malaking bahagi ng Ifugao history.

People's Lodge and Restaurant

meron silang 300-500 per night. pero dahil sa naubusan na ako ng 300, dun nalang ako sa 500. not bad.

mahirap talagang tanggihan ang kainan na nagooffer ng magandang view. tama?


maisingit ko lang, kung iniisip nyong hindi abot ng internet ang lugar na ito ay nagkakamali kayo.

dahil may internet shop sila. 
bongga lang diba? may "pesbuk" din ang mga tao dito. kyut!

---------------------

nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan. bukod sa guide ko at ang mga kapwa guide nya ay nakilala ko rin ang isang Professor sa UST na si Sir Marvin Zapanta at ang kapatid nyang si Maylene. naging kaclose ko rin ang magkaibigan mula sa Sweden. sina Sam at Cajsa na nagpa-nosebleed saking ng bongga.

simpleng kwentuhan na nauwi sa masayang inuman.

sobrang saya ng karanasan ko sa Banaue at Batad. parang yung naramdaman ko sa Sagada na talaga palang may mga taong kuntento na kung ano ang meron sila. masaya na kung ano lang ang nandyan. makikita mo ang mga mata nila... walang inggit at walang paghahangad. nakakainspire lang diba?

totoo ngang hindi lang materyal na bagay ang magpapasaya sa mga tao. minsan sapat na ang pagmamahalan, pamilya at pagiging kuntento sa mga biyayang binigay ng Maykapal.

"The best things are not always the most expensive things."


yung nasa likod... sya yung naging boylet ko. chos!


kung gusto mong magtravel, solo man o group, hindi dapat mawala sa listahan nyo ang Banaue at Batad. hindi sapat ang naging blog kong ito para maengganyo kayong pumunta dito pero ako na mismo ang nagsasabi sa inyo, dabest ang Banaue, dabest ang Batad!

ps.
hindi kailangan ng malaking budget para sa trip na ito. para sa detalye ng naggastos ko, ask me.

o diba, makapromote ako parang ako lang may-ari ng lugar. hihi

maraming salamat po sa pagbasa ng post na to. hanggang sa muli! ^_^

xoxo

Mas Matakot Ka Sa Sarili Mong Multo

$
0
0
Mga bakla, i'm back!!!
tamad-tamaran lang magblog ang peg ko hihi.
bago ang lahat gusto ko muna mag-thank u sa mga masipag magcomment sa mga post ko kahit hindi ko po lahat mareplyan. subukan nyo magtext with pasaload reply ako agad agad. charot! Salamat kahit bihira lang ako magpost e marami pa rin ang nakaabang na basahin ang mga kabaklaan ko.
oi lilinawin ko lang ha, hindi lang po para sa mga girlalet at beks ang blog ko. para rin sa mga boylet. para sa lahat. sa lahat ng gustong maaliw at sa lahat ng mahilig magtravel. "travel blogger" nga po ako diba? char! ^_^


Dahil nasa mood ako, share ko lang sa inyo ang mga nalalaman ko about aswangs, multo at kung anes anes pa na may kinalaman sa nakakatakot na nilalangs.

Bakit marami akong alam? Una, taga-Iloilo po ako. yes, pure Ilongga ako. kaya ako maganda. #walangduda #mamataynakumontra

Lumaki ako sa mga kwento ng multo at aswang "daw" na hanggang sa lumaki na ako ay hindi ko na napatunayan at hindi pa nakikita ng mga mata ko with kulot na pilikmata.

Multo

Sa totoo lang, kung may taong hindi takot sa multo ay isa ako sa kanila. Lumaki akong tinatakot lagi ng ate at mga pinsan ko pero hindi ko naalalang nanginig ako sa takot. Nakakatuwa pa dahil sa hindi nila ako matakot e sumusuko na sila sa pananakot sakin.

Naniniwala ako na ang mga multo ay nagpaparamdam dahil mayroon silang dahilan. May hindi pa natapos na misyon at ang iba ay naghahanap ng tulong para makakuha ng katarungan.


Aswang

photo credit: google

Ayon sa mga kwento, nagmula sa Capiz ang mga aswang. hindi daw po trulalu yun. Kung kilala nyo si Tenyente Gimo na sinasabing unang aswang... sya po ang nagmula sa Iloilo. at may isang bayan sa Iloilo na hanggang sa ngayon ay medyo kinatatakutan "daw" dahil sa pinaniniwalaang doon "daw" talaga nagmula ang lahat ng lahi ng aswang sa Pilipinas.

photo credit: google

Minsan na rin "daw" napatunayan na may totoong aswang. pero nasaan? naipakita ba? nganga.

Mula sa mga manananggal na nahahati ang katawan. parang ako lang.. mananaggal ng lakas. ang tiktik na kinakatakutan ng mga juntis na may mahabang dila na nangangain daw ng bata. mahaba rin ang dila ko pero hindi bata ang kinakain ko. char. feeling ko panakot lang yung sa mga juntis na mahilig pang chumismis kahit mahamog na. pati na rin si tikbalang na mukhang kabayo. ay naku, marami rin nyan dito sa Manila. mga taong mukhang kabayo na pag napadikit sa puno e  napagkakamalang tikbalang. Isama na ang mga baboy daw na nakabakya. yes, sushal! hindi pa naghigh heels para anne curtis ang peg.

Hindi lahat ng aswang ay nasa probinsya. yung iba nakakasama mo at nakakausap pa. merong mukhang asawang. yung takot na takot sa aswang pero mas nakakatakot pa sila sa aswang. meron ding nangaaswang ng asawa. kaya magingat baka kapitbahay mo lang sila.

Huwag matakot sa mga aswang at multo. Mas matakot ka sa buhay. At mas matakot ka sa sarili mong multo.

Happy Halloween everyone!
sino ang gustong magpaaswang? ^_^



next: The Grandest MassKara Festival
late na post ko about MassKara. bobonggahan ko nalang para naman makabawi ako. ^_^

The Grandest MassKara Festival

$
0
0

After witnessing the Aliwan Fiesta in Manila, I decided to attend one of Philippines' major festivals.
Luckily, I booked a flight from Manila to Bacolod to attend the 33rd World-Renown MassKara Festival.

Aside from their famous chicken inasal, the festival itself is enough reason to come to Bacolod.

the MASSKARA

MassKara comes from the word "Mass" means people and "Kara" means faces. Many faces celebrating the good life from God. MassKara Festival was intended to encourage the Bacolenos to fight the sugar crisis a very long time ago and put back the smile on their faces.

It is held annually in the City of Smiles, Bacolod City every 3rd weekend of October.

The main streets of Bacolod City are packed with local and foreign visitors and viewers.

Barangay streetdance participants

The competition is divided into two categories. The school division and barangay street dance competition. I wasn't able to watch the school division but i was there to witness the battle between the barangays. Considered as the highlight of the street dancing competition.

Countless visitors flocked to Bacolod for this year's Grandier and more colorful MassKara Festival.

"Politically, this is the Grandest MassKara Festival." -anonymous
eto na daw kasi last term ng City Mayor nila kaya ganun. anong konek? ewan. yun lang narinig ko e. #tsismis

Everything is set. It's showtime!


The Barangay Street Dance Competition


Perfect spot

I met someone working in Abs-Cbn Bacolod who gave us a perfect spot to take pictures, capture the moments and to watch the barangay streetdance competition up close. Thanks Belle.
yung feeling na kahit wala kaming id e parang taga media kami dahil katabi lang naman namin ang mga mediamen and ilang bonggang photographers haha.
note: sorry for the shots. i had a hard time taking clear photographs.


So there, the competition finally began...

Dancers wear colored costumes and props

Each barangay has their own choreography but using one taped music only. The challenge is to make their own mark and execute the performance to wow the judges and to get the sympathy of the crowd.




Dancing gracefully is a must.
prodyek kung prodyek!




ansaya lang ^_^




even the boys
ayaw pakabog

parang hindi sila masaya?


My Favorite Group


They're my favorite. I love how they wow the crowd with their simple outfits, props and choreography.
Minsan sapat na yung malinis na performance para mapahanga ang mga manonood. agree?


the maskaras. the smiles. the colors. the attitude and the performances.
can't forget those. hope i can afford to attend again next year.

Viva Bacolod!


Eniwey, hindi biro ang magsuot ng maskara dahil umaabot daw ng 5-10 kilos ang bigat. really? kaya naman hindi na nakapagtataka kung ilan sa kanila ay hindi na kinaya at nahihimatay. Buti nalang super alerto ang medics.

Gayunpaman, hindi kabawasan para sa akin ang pagkahimatay nila lalo't alam mong ibinigay nila ang best nila para patunayan na hindi nasayang ang pagpunta ng mga tao sa Bacolod para sa taunang MassKara Festival.

Dream come true para sakin ang mawitness ang isa sa bonggang festival ng pinas. Hindi matutumbasan yung saya na mismong napanood ko ng live ang performances ng bawat kalahok. Kaya naman sa mga nagbabalak umattend ng MassKara Festival next year, GO!


Sorry for the very late post.
Sensya na guys super late na talaga tong post na to. Ngayon lang naayos ang jinternet ditey sa balur. 
Kaya naman bumawi ako at ingles inglesan ang peg ko. 



up next:   
BACOLOD: How Sweet Life is in the Sugar Capital of the Philippines.

Miss Philippines for Miss Universe 2012

$
0
0
Q: As an international ambassador do you believe that speaking english is a pre-requisite to be Miss Universe?

Janine: For me Miss Universe is not about being to speak a particular language, it's about being able to infliuence and inspire other people. No matter what language you have as long as you have the heart you can inspire other people.

Kabog! Miss Philippines for Miss Universe 2012!
Viewing all 25 articles
Browse latest View live